sarap!
boracay sunset
feed the fish! feed the fish!
napakainit sa boracay! pero ayos lang tutal pwedeng pwede naman magbabad sa dagat kahit anong oras. wala akong pakialam kung maging negra ako eh talaga namang di ako kaputian dati pa! ang sarap magtampisaw lang sa dagat o di kaya maglakad lakad sa buhangin. iba't ibang klaseng tao makakasalubong mo, merong maputi, maitim, mataba, payat, sexy, TH, maganda, di kagandahan, pero halos lahat ata ng kababaihan eh naka two-piece (asa pa isa ako doon!). syempre pa ang mga kalalakihan eh ligalig na ligalig (wag na i-deny!).
totoo nga sabi ng kaibigan ko, sa boracay kebs lang, basta enjoy ka lang! napakadaming pwedeng gawin pero napakaikli ng panahon. pwede ring tumunganga lang maghapon pero masaya pa rin. hay nako parang alang problemang babalikan pag uwi. ang sarap talaga!
ang di ko lang ata nagawa eh uminom ng malamig na san mig light habang nagmumunimuni sa ilalim ng mga bituwin, sa tabi ng dagat, sa mala-espasol na buhangin (syempre pa-good girl ako). di bale, may pagkakataon pa ko uli sa susunod na linggo!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home