3.29.2005

dentist

"ayayi a a?" tanong ko sa kanya habang nakaupo sa silyang walang gustong umupo habang nagtatapangtapangan.
"medyo malalim pa." sagot naman nya habang walang awa nya dinidrill ang ngipin ko.

nakatatlong tanong pa ata ako bago sinabi ng dentista na tapos na sya sa unang ngipin. meron pa daw dalawang natitira na bubutasan at papasakan ng amalgam. ayoko na! promise, di na ko kakain ng chocolates!

habang nakaupo ako kanina sa silyang yon, nag flashback lahat ng mga pagkain na kinain ko. chocolates, candies, chocolates, tsitsirya, chocolates, butong pakwan, chocolates, mani at chocolates. "pero nagtotoothbrush naman ako ah. bakit ganon?" paulit ulit na tanong ko sa sarili. ah ewan! di na talaga ako kakain ng chocolates!

pagkatapos ng tatlong oras ng pagkakaupo ko doon, natapos na rin ang hirap ko. yun nga lang, medyo maluwag na bibig ko sa kakanganga.

sa wakas, pwede na ko uli kumain ng chocolates!

1 Comments:

Blogger duke said...

ayus. ngayon mas maluwag na bibig mo, pede ka na kumain ng hocolates, candies, chocolates, tsitsirya, chocolates, butong pakwan, chocolates, mani at chocolates.

Mar 29, 2005, 9:52:00 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home


[ View Guestbook ] [ Sign Guestbook ]
Get a FREE guestbook here!


Free Counters