4.11.2005

smb


at the araneta colliseum, 041005 Posted by Hello

hay nako, talunan kami kagabi. tinambakan ng ginebra ang smb! sa fans pa lang, talo na talaga san miguel. parang night out lahat ng beerment. pati yung import nila, di nakagawa. hay nako talaga!

pero di bale, nag-enjoy naman kami. matagal tagal na rin akong di nanood ng live at iba talaga ang feeling pag nandoon ka talaga kesa pag sa tv. siguro masusundan pa uli ang panonood ko sa kanila dahil may oras na ko ngayon. at sana, sa susunod na panonood ko, maganda na ang laro nila (di kaya ako ang malas?).

manalo, matalo, hangga't may magbibigay sa akin ng tickets ng san miguel games, patuloy ko pa rin silang tatangkilikin. aba, musmos pa lang ata ako eh tagahanga na ko ng san miguel...maliban na lang kung coke ang kalaban kasi team manager nila si hector calma!

iba ang may pinagsamahan!

3 Comments:

Blogger duke said...

ako din, ako din!! SMB!! pero nung huli ako manood ng basketbol PBA, sina allan caidic pa andun. buhay pa ba yun? di naman kse ako mahilig manuod nun eh. kaya ko lang naman sila gusto kse lagi sila talunan. lam mu naman ako, lagi ako para sa underdog. tsaka ayoko kse sa ginebra, ke lolo jawo.

Apr 11, 2005, 3:53:00 PM  
Blogger kero said...

gusto mo sama ka pag nanood ako uli? =)

Apr 16, 2005, 8:48:00 AM  
Blogger atticus said...

haha. hindi ako nanonood noon ng basketbol kasi ayoko rin kay jawo. kasi ang dugyot niyang maglaro.

last time manood ako, sa makati. kasi kaibigan ko iyong import.

Nov 2, 2008, 6:13:00 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home


[ View Guestbook ] [ Sign Guestbook ]
Get a FREE guestbook here!


Free Counters