1.28.2006

Gung Hay Fat Choy (?)

pagkagising ko kanina, bumulagta sa akin sa aming dining table ang isang tasang bigas, isang tasang suka, at isang tasang asukal. meron ding hindi ko malamang rootcrop at iba't ibang prutas. bakit may ganon sa lamesa? agad kong tinanong ang aming kasambahay at sabi nila, "Nilagay ng mommy mo." ha? at doon ko naisip na baka chinese new year ngayon o eve ng chinese new year. pero teka, kelan pa kami naging chinese family at nag-celebrate ng chinese new year?

unang-una, walang co sa aming apelyido, gaya ng tantoco o kaya cojuangco. sa katunayan, ang apelyido namin ay isang propesyon at hindi chinese sounding. pangalawa, hindi manilaw-nilaw ang aming balat...tan, pwede pa. at pangatlo, wala kaming factory, o restaurant, o tindahan. in short, di kami business-minded kundi mga karaniwang namamasukan lamang.

hay nako, ano man ang dahilan ng nanay ko, nawa'y maging maswerte at maunlad ang lahat ng Pilipino ngayong taon. pero sabi nga nila, ang swerte eh hindi napupunta sa mga tamad kaya tingnan na lang natin. kaya sa inyong lahat, isang maagang Chung chang cheng chung...este, Gung Hay Fat Choy! =)

2 Comments:

Blogger duke said...

ako chinese ako nung clerk tayo. pero bumbay na ata ako ngayon. ah, chinese-mestizo pala ako.

Jan 28, 2006, 4:18:00 PM  
Blogger atticus said...

nagulat ako kaninang midnight. ang daming paputok sa aming komunidad na puro magagandang ugali ang pangalan. kaya naman pala, bagong taon ng mga maliliit ang mata.

hindi ako intsik. pinaghalong dugong espanggol at aeta ang nananalaytay sa aking mga ugat.

Jan 29, 2006, 10:42:00 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home


[ View Guestbook ] [ Sign Guestbook ]
Get a FREE guestbook here!


Free Counters