1.07.2006

kangkungan

bagong taon, bagong trabaho. sa wakas, may direksyon na buhay ko...yon ang akala ko at ang akala ng lahat. duty sana ako ng unang araw ng taon pero di ako nakapasok dahil bago pa dumating ang a-uno, nagkasakit na ako. lahat na ng sakit na maisip mo, meron ako. lagnat, sakit ng ulo, sakit ng katawan, sakit ng tiyan at ang pinakamatindi, LBM! di magandang senyales, sa isip ko. pero mas malamang, yung mga sintomas na yon, may halong sintomas dala ng pagiisip, ika nga, psychosomatic. sa sobrang pagdadalawang-isip sa direksyon na tatahakin, lumabas sa ibang anyo...LBM!

pumasok din naman ako kinabukasan. nag duty pa nga ako ng higit sa 24 oras. matutulungin mga kasama ko. alam nilang bago lang ako at lahat ng tulong, ginawa nila. ayan yung samahan nila ko tingnan mga pasyente, turuan nila ko ng mga style o strategy, bigyan ng tips at kung anu-ano pa. pero sa kabila ng lahat, lalo ko lang naramdaman na hindi talaga para sa akin ang field na yon. mantakin mong sa higit na 24 oras na nilagi ko don, di man lang ako ngumiti.

siguro para sa iba, first day blues lang yon. kung tutuusin, hindi toxic ang field na yon, kumpara sa ibang specialization sa ospital na yon. hindi lang talaga ako masaya. akala ko, kakayanin kong pagtiyagaan, makapag-umpisa lang ng training. pero hindi pala. ayokong matapos ang 3 taon na pagsisisihan ko lang kung bakit ko sya tinuloy. ayoko ring matapos ang 3 taon na di ako ngumingiti...tiyak, ang pangit ko na non. kaya minabuti ko ng umalis na, habang maaga, bago pa maapektuhan ang trabaho ko at itsura ko.

saan na ko pupulutin ngayon? malamang sa kangkungan. pero di pa rin ako nawawalan ng pagasa na maiisip ko rin kung saan ako patungo. pero syempre, di ko kakayaning magisa ito. kelangang tawagin ang Powers-that-be sa Itaas.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home


[ View Guestbook ] [ Sign Guestbook ]
Get a FREE guestbook here!


Free Counters