wednesday nights
kahit sinong tanungin mo, ang miyerkules ko eh naka reserve kay noel cabangon sa 70s bistro. ewan ko ba, parang ginayuma ako ng mokong mula nung ma introduce sya sakin ni F. ang ganda kasi ng boses at ang galing mag gitara, eh pangarap kong matutong mag gitara mula pa nung bata ako...na hanggang ngayon eh pangarap pa rin. at syempre, pag nag request ako, patok, kakantahin nya yon.
grabe, parang kelan lang, dinala ako ni F sa 70s para mapanood, sa unang pagkakataon, si noel. valentines day ata non at tutal wala naman kaming date pareho, kami ang nag date, pero KKB! limang taon na rin ata nakakalipas pero yun ang simula ng tradisyon namin. tuwing wednesday ng week ng valentines, kami ang magka date sa 70s. at tuwing miyerkules na ala kaming magawa sa buhay, tiyak, matatagpuan kami sa 70s habang umiinom ng malamig na iced tea...heehheeh...syempre, san mig light. kaso ngayong nasa tate na si amay, este F, ala na ko constant date sa 70s.
naalala ko pa nung internship, may journal reporting ako ng thursday morning sa pedia opd. syempre inassign sa akin yon ng miyerkules ng hapon. eh nayaya ako ng barkada ko sa college na mag 70s ng miyerkules ng gabi, patay na! habang break si noel, nagbabasa ako ng journal na di ko mainti-intindihan.
pero kagabi, hindi na sa 70s ako nagpunta. sa conspiracy garden cafe, sa may visayas ave. na tumutugtog si noel pag miyerkules. medyo nakakalungkot kasi napamahal na rin sakin ang lugar pero ganon talaga, kelangan mag move on. on a positive note, di mausok sa conspiracy at mas maganda ang ambiance. at ang pinakaimportante, pareho lang ang presyo ng san mig light sa 70s. ayos!
noel in action grabe, parang kelan lang, dinala ako ni F sa 70s para mapanood, sa unang pagkakataon, si noel. valentines day ata non at tutal wala naman kaming date pareho, kami ang nag date, pero KKB! limang taon na rin ata nakakalipas pero yun ang simula ng tradisyon namin. tuwing wednesday ng week ng valentines, kami ang magka date sa 70s. at tuwing miyerkules na ala kaming magawa sa buhay, tiyak, matatagpuan kami sa 70s habang umiinom ng malamig na iced tea...heehheeh...syempre, san mig light. kaso ngayong nasa tate na si amay, este F, ala na ko constant date sa 70s.
naalala ko pa nung internship, may journal reporting ako ng thursday morning sa pedia opd. syempre inassign sa akin yon ng miyerkules ng hapon. eh nayaya ako ng barkada ko sa college na mag 70s ng miyerkules ng gabi, patay na! habang break si noel, nagbabasa ako ng journal na di ko mainti-intindihan.
pero kagabi, hindi na sa 70s ako nagpunta. sa conspiracy garden cafe, sa may visayas ave. na tumutugtog si noel pag miyerkules. medyo nakakalungkot kasi napamahal na rin sakin ang lugar pero ganon talaga, kelangan mag move on. on a positive note, di mausok sa conspiracy at mas maganda ang ambiance. at ang pinakaimportante, pareho lang ang presyo ng san mig light sa 70s. ayos!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home