10.27.2005

kapag nanalo ang ginebra

sa unang pagkakataon, nanood ako ng pba sa araneta coliseum na walang laro ang san miguel beermen. unang beses ko ring nakitang napuno ang araneta pagkatapos ng matagal na panahon. at sa una ring pagkakataon, nakisama ako sa karamihan na nag cheer para sa baranggay ginebra. masama man ang loob ko, wala akong magawa dahil ginebra ang nagbigay ng libreng tickets sa akin. isa pa, baka mabato ako sa aking kinakaupuan kung kumampi ako sa kalaban dahil puro kampi sa ginebra ang nasa paligid ko.

mabuti na lang, hindi binigo ng ginebra ang mga fans nila (di ako kasama). at least, makakasiguro ang pilipinas na medyo bababa ang crime rate ngayong gabi. masayang umuwi ang mga fans kanina.

masaya rin ako umuwi kanina, hindi dahil nanalo ang ginebra, kundi nakita ko uli si hector calma! =)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home


[ View Guestbook ] [ Sign Guestbook ]
Get a FREE guestbook here!


Free Counters