ano nga ba title na ok?
kanina pa ko nakatunganga sa harap ng computer, wala pa rin ako maisip na isulat. si B kasi eh, naghahanap ng update, di naman maglagay ng comment. hmmp.
kahapon, nagpunta ako sa oath taking ng mga bagong manggagamot sa manila hotel. sa sobrang dami ng tao, di ko nakita agad sina B at K. buti na lang, malinaw pa mga mata ko kaya natuntun ko rin sila, pagkatapos kong magmukhang tanga ng ilang minuto kahahanap. di bale, di naman ako nag-iisa.
panigurado, kung nabubuhay pa si daddy, sangdamakmak na ukin ang inabot namin dahil medyo late na kami dumating. nakakamiss talaga si daddy at mga famous words nya. haay...
pagkatapos mag march ang top 20 at mga board members, nagsimula na ang programa. syempre, ang pinakamaraming palakpak eh nung tawagin si joram. paniniwala kasi ng karamihan, si joram ang nagbibigay ng pinakamahihirap na exam. kaya siguro maraming pumalakpak sa kanya eh sa sobrang tuwa ng mga nakalusot sa exam nya. o kaya mga nangaasar lang dahil kahit kontra sya sa pbl, nakakalusot pa rin ang mga produkto nito, kahit papaano.
gutom na kaming lahat na nasa table ko. pero di pa nila sinerve ang pagkain hanggat di pa tapos ang mga speeches at oaths. bale tatlo yun, yung physicians' oath, yung isa para sa PMA. ang pinakahuli yung hippocratic oath, na mali mali naman yung kopya na nakasulat sa programme. nung nagsalita na yung topnotcher, isa-isa na kaming umiskapo para pumila sa envelope na binibigay ng prc. nagmistulang mga sardinas na nagsisiksikan sa sobrang excited makuha ang prc card na nagpapatunay na sya nga ay isang ganap ng doktor. lintsak ang tagaktak ng pawis ko pagkatapos kong makuha ang envelope. pati tuloy kil...kilay ko ay pawis na pawis na rin.
pagbalik ko sa table, wala na kong gana kumain sa sobrang init. at biruin mo, sa halangang pitong-daang piso, ang pinakain ng manila hotel ay pansit (sa iba spaghetti), siopao, chicken leg at brownies. ano na nga ba nangyari sa manila hotel? ibang iba na sya sa manila hotel ng kabataan ko.
so yun nga, umalis na kami ng nanay ko at ate ko at nagtuloy na kami sa isang hotel na malapit sa ccp. don na nanlibre ang nanay ko kahit medyo may kamahalan, dahil sa sobrang tuwa na ang bunso nya ay di na tinik sa kanyang dibdib. malamang din, kung kasama pa namin si daddy, sangdamakmak na ukin pa rin ang binitawan nya habang pilit na tinatago ang bakas ng ngiti sa kanyang mukha.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home